Hi,
This is in response to your message “How did the kids react to MY red balloon?” – Don’t worry, it is yours, all yours. Sounds like you bought the copyright in Divisoria.
The kids laughed at different parts of the movie.
Tinanong ko sila pagkatapos ng palabas kung mayroon silang katanungan. Sabi nila wala naman daw silang tanong. Pero alam kong may mga tanong sila, tulad ng mga ito:
1. Bakit walang dumating na superhero o kahit bioman man lamang sa huli? Pulis kaya?
2. Bakit hindi miyembro si Pascal ng BMP (Batang Maninirador ng Paris), saang tribu siya kabilang?
3. Bakit nakatali sa poste ang lobo? Balak ba niyang bitayin ang sarili?
4. Mas maganda ba ang ending kung bumuka na lang ang lupa at kinain ang mga bullies? O kaya minasaker ng mga lobo ang mga bata? (gusto ko yung ipupulupot ng mga lobo yung tali nila sa leeg ng mga bata, ok di ba?)
5. Bakit sa Paris lang galing ang mga rumispondeng balloons? Sila lang ba ang na-grouptext ni Pascal? Mahina ba ang network coverage noon?
6. Magkano ang talent fee ng red balloon? Nag-audition ba siya at natalo ang iba pang balloons?
7. Bakit walang nakasulat na ‘Happy Birthday’ sa mga lobo? Kahit isa man lang?
8. Kapag may isa akong lobo at inapakan ko ito, dadami ba ang aking lobo? Hindi? Bakit unfair ang mundo?
9. Ano ang kasarian ng red balloon?
10. Bakit walang farewell speech ang lobo tulad sa lahat ng movies na nakakapagsalita pa ang bida bago mamatay?
I wrapped-up the story for them but I did not discuss it in detail because it is up for many interpretations. Sa 22 na lang tayo mag-discuss in detail.
Sa tingin ko lima ang moral lesson ng story:
1. Don’t leave your balloons unattended.
2. Dapat pinapayungan ang lobo kapag umuulan.
3. Masayang manirador ng lobo.
4. Bawal sumakay ng jeep/bus kapag may kasamang lobo.
5. Masarap makipaghabulan sa mga bullies.
Putol ang kuwento, maaaring isa sa mga limang ito ang tunay na katapusan:
1. Nakilala ni Pascal si Dorothy at ang Wizard of Oz. And they lived happily ever after.
2. Buhay pa ang lobo dahil may natira pang tali, nagalit ito dahil hindi siya isinama sa sky trip ng mga kumag. Gayunpaman, nakatagpo siya ng bagong kaibigan nang gamitin siya bilang tali sa kotse-kotsehan ng isa pang bata.
3. Pagbaba ni Pascal, hinuli siya at ikinulong dahil sa pagnanakaw nang pagkadami-daming lobo. Lalabas na yata siya sa bilangguan this year.
4. Inilabas ng mga bullies ang kanilang mga baril at pinaputukan ang iba pang lobo. Nahulog si Pascal. Kawawang bata talaga. Malas siya ng araw na iyon.
5. Bumangga si Pascal sa Eiffel Tower. Gayunpaman hindi ito naging hadlang sa kanyang paglaki. Nagising siya sa katotohanaang hindi siya makakatakas mula sa mundo dahil sa gravity na hindi kayang alpasan ng mga lobo. Naging kilala siya at yumaman bilang tagatanggap ng royalty fee ng ‘The Red Balloon’. Speechless pa rin siya hanggang ngayon.
Nobody cried; prompting me to suggest to you that there might be some problem with your lacrimal glands.
P.S. Wala akong pakilaam kung magkaiba ang oras ng HDI at CIS. Marami na akong prinoproblema, tulad ng -- ano kaya ang nangyari sa blue balloon? Sumama kaya siya sa diaspora?
Tigilan mo na,
JP
No comments:
Post a Comment